OLOPSC SHS Student Council Officers taking their oath together with their adviser
student-life

SHS Ascend 2026: Leadership Training and Student Council Officers Oath Taking

General Marcus Angelo Rivera

ASCEND, layong linangin pagkatao at pamumuno ng OLOPSCian student leaders Ulat ni Marcus Angelo Rivera mula sa Hayag Kalayaan Bilang paglinang sa mabuting pagkatao at panunungkulan ng mga student-leaders, isinagawa ng Our Lady of Perpetual Succor College (OLOPSC) Senior High School Student Council (SHSSC) ang “ASCEND: SHS Student Leadership Training” para sa mga Grade 11 at Grade 12 student leaders sa Multi-Purpose Hall nitong Hulyo 23.Kabilang sa mga naimbitahang lumahok ay ang lahat ng SHSSC Officers, Executive Committee Members, at Club Officers sa taong panuruang ito. Layunin ng leadership training na paunlarin ang diwa ng paglilingkod at hubugin ang mga student leaders na mamuno nang may karakter, integridad, at pananagutan sa loob at labas ng paaralan.Ipinahayag ni Guest Speaker Sarah Villas—ang executive producer, writer, at host ng One Pilipinas—na mahalagang mapanatili ang mataas na pamantayan sa paglilingkod at maisabuhay ang mga natutunan sa leadership training, kahit natapos na ang programa. Kaakibat nito ang pagpapairal ng pananagutan, na aniya ay isa sa mga pangunahing katangian ng isang responsable at mapagkakatiwalaang lider.Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Ms. Mary Gwynette Jalea, dating SHSSC President ng Afternoon Shift, ang kanyang mga naging karanasan at aral na natutunan sa pamumuno. Aniya, mahalagang magkaroon ng malinaw na layunin sa pamamahala at alamin ang sariling “bakit” dahil magsisilbi itong gabay sa isang epektibong pamamalakad sa nasasakupan.Sa pagtatapos ng leadership training, isinagawa ang oath-taking na nagsilbing pagpapatibay ng kanilang pangakong isabuhay ang mga natutunan sa ASCEND at ilapat ang mga ito sa kanilang magiging tungkulin at paglilingkod sa komunidad ng paaralan.

Larawang kuha ni Camille Rosario mula sa Hayag Kalayaan