Buwan ng Wika: “Pilipino, Ipagmamalaki Ko!”

By: Alona Z. Rabe
Senior Nursery Teacher

Tuwing buwan ng Agosto, isa sa mga nakaugalian ng mga Pilipino ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Noong ika-29 ng Agosto ay ipinagdiwang ang kulminasyon ng buwan ng wika na may temang “Pilipino, Ipagmamalaki Ko!”. Ang nasabing programa ay may layunin na maikilala sa mga mag-aaral ang mga natatanging kaugalian ng mga Pilipino at ang mga sagisag ng Pilipinas.

Ang mga suot ng mga guro at mga bata ay may kinalaman sa kulay ng Watawat ng Pilipinas. Ang mga guro ay nakasuot ng kulay dilaw na pangtaas. Sa mga bata naman ay puti para sa Junior Nursery, pula para sa Senior Nursery at bughaw para sa ating mga Kinder. Sinamahan narin ito ng pagsuot ng panyo sa leeg para sa mga lalaki, at sa ulo naman na parang headband para sa mga babae.

Nagsimula ang programa sa isang sayaw at awiting pinoy na sinabayan ng indak ng mga guro at mag-aaral. Kasunod nito ay ay pagkilala sa mga sagisag na mayroon ang Pilipinas. Naging bahagi rin ng programa ang pagpapakilala sa mga larong pinoy
tulad ng patintero, piko, at ang pambasang laro na Arnis. Sa huling bahagi ng programa, nagkaroon ng online salu-salo ang mga guro kasama ang mga mag-aaral kung saan ipinakilala ang iba’t ibang pagkaing pinoy.